dcsimg

Pistatso ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang pistatso (Pistacia vera; Kastila: pistacho; Inggles: pistachio) ang binhing nagmula sa puno ng alponsigo (Kastila: alfónsigo), na katutubo sa Iran, Turkmenistan, at Apganistan. Ang pistatso, na nasa loob ng pamilya ng Anacardiaceae, ay isang maliit na puno na nagmula sa Mas Malaking Iran (Iran at Iraq[1][2]) na maaari nang matagpuan sa ngayon sa mga rehiyon ng Syria, Lebanon, Turkey, Gresya, Tunisia, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan, India, Pakistan, Ehipto, Italya (Sicily), Uzbekistan, Afghanistan (natatangi na sa mga lalawigan ng Samangan at Badghis), at sa Estados Unidos, partikular na sa California. Ang puno ay nagbubunga ng isang mahalagang mani.

Ang Pistacia vera ay kadalasang ikinalilito sa iba pang mga espesye ng saring Pistacia na nakikilala rin bilang "pistachio". Ang mga espesyeng ito ay maaaring ibukod-tangi mula sa P. vera sa pamamagitan ng kanilang pagkakamudmod na pangheograpiya (sa kalikasan) at sa pamamagitan ng kanilang mga mani. Mas maliliit ang kanilang mga mani, mayroong mas malalakas na lasa ng turpentina, at mayroong isang balat na hindi matigas.

Mga sanggunian

  1. "History and Agriculture of the Pistachio Nut". IRECO. Nakuha noong 27 Pebrero 2012.
  2. "Pistachios". IGA. Nakuha noong 27 Pebrero 2012. Iran, Iraq and Tunisia are the major producers of pistachios.
license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Pistatso: Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang pistatso (Pistacia vera; Kastila: pistacho; Inggles: pistachio) ang binhing nagmula sa puno ng alponsigo (Kastila: alfónsigo), na katutubo sa Iran, Turkmenistan, at Apganistan. Ang pistatso, na nasa loob ng pamilya ng Anacardiaceae, ay isang maliit na puno na nagmula sa Mas Malaking Iran (Iran at Iraq) na maaari nang matagpuan sa ngayon sa mga rehiyon ng Syria, Lebanon, Turkey, Gresya, Tunisia, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan, India, Pakistan, Ehipto, Italya (Sicily), Uzbekistan, Afghanistan (natatangi na sa mga lalawigan ng Samangan at Badghis), at sa Estados Unidos, partikular na sa California. Ang puno ay nagbubunga ng isang mahalagang mani.