dcsimg

Mandadangkal ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Tungkol ito sa isang kulisap, para sa gawaing sumasamba, tingnan ang Pagsamba. Tingnan din ang Samba (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang Mantis (paglilinaw).

Ang mandadangkal, mandarangkal, sasamba, o samba-samba (Ingles: mantis, praying mantis)[1][2][3] ay isang uri ng kulisap na gumagamit ng kanyang dalawang mahahabang kamay sa unahan para atakihin ang kalaban o sa pamamagitan ng paninila. Nangingitlog ang babaeng mandadangkal ng humigit sa 300 mga itlog. Hindi gaanong makalipad ang babaeng mandadangkal dahil sa dala-dala niyang mga itlog na nasa loob ng sa kanyang tiyan. Karamihan sa mga insektong ito ang mas gustong manatili at manirahan sa mga tropikal na lugar. Mayroong 1,700 klase ng mga mandadangkal.

Karaniwang itong tinatawag na praying mantis sa Ingles, o "nananalanging mandadangkal" (sasamba o samba-samba), dahil sa paraan ng pagtikas nito ng kanyang pangharap na mga binti upang hawakan ang kanyang sinilang pagkaing kulisap. Mayroon itong haba na 3 mga pulgada, at may katawang mahaba, balingkinitan, at kulay lunti o kayumanggi. Mayroon din itong pata na paang panlakad, dalawang paang pangharapan, at matitibay na mga pakpak. Matatagpuan ito sa Europa, Asya, at Estados Unidos. Nakakatulong ito sa tao sapagkat kinakain nito ang nakakapinsalang mga kulisap.[3]

Pakikipagtalik

Isang katangian ng babaeng mandadangkal ang kainin ang lalaking mandadangkal pagkatapos makipagtalik dito. Kinakagat ng mandadangkal ang leeg ng kanilang biktima para ito maparalisa muna.

Mga sanggunian

May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons ukol sa artikulong:


Kulisap Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Mandadangkal: Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages
Tungkol ito sa isang kulisap, para sa gawaing sumasamba, tingnan ang Pagsamba. Tingnan din ang Samba (paglilinaw). Para sa ibang gamit, tingnan ang Mantis (paglilinaw).

Ang mandadangkal, mandarangkal, sasamba, o samba-samba (Ingles: mantis, praying mantis) ay isang uri ng kulisap na gumagamit ng kanyang dalawang mahahabang kamay sa unahan para atakihin ang kalaban o sa pamamagitan ng paninila. Nangingitlog ang babaeng mandadangkal ng humigit sa 300 mga itlog. Hindi gaanong makalipad ang babaeng mandadangkal dahil sa dala-dala niyang mga itlog na nasa loob ng sa kanyang tiyan. Karamihan sa mga insektong ito ang mas gustong manatili at manirahan sa mga tropikal na lugar. Mayroong 1,700 klase ng mga mandadangkal.

Karaniwang itong tinatawag na praying mantis sa Ingles, o "nananalanging mandadangkal" (sasamba o samba-samba), dahil sa paraan ng pagtikas nito ng kanyang pangharap na mga binti upang hawakan ang kanyang sinilang pagkaing kulisap. Mayroon itong haba na 3 mga pulgada, at may katawang mahaba, balingkinitan, at kulay lunti o kayumanggi. Mayroon din itong pata na paang panlakad, dalawang paang pangharapan, at matitibay na mga pakpak. Matatagpuan ito sa Europa, Asya, at Estados Unidos. Nakakatulong ito sa tao sapagkat kinakain nito ang nakakapinsalang mga kulisap.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia