dcsimg
Image of poinsettia
Creatures » » Plants » » Dicotyledons » » Spurge Family »

Poinsettia

Euphorbia pulcherrima Willd. ex Klotzsch

Paskwa (bulaklak) ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Para sa ibang gamit, tingnan ang Paskwa (paglilinaw).

Ang paskwa[1] o paskwas [1] (pangalang pang-agham: Euphorbia pulcherrima, Ingles: poinsettia[1], Kastila: pascua[1]) ay mga bulaklak na nagmula sa Mehiko, katutubo sa dalampasigang Pasipiko ng Estados Unidos, ilang bahagi ng gitna at katimugang Mehiko (kabilang ang dalampasigang Pasipiko ng Mehiko, at ilang lokalidad sa Guatemala. Ipinangalan ang mga ito mula kay Joel Roberts Poinsett, ang pinakaunang embahador ng Estados Unidos para sa Mehiko (o pinakaunang kinatawan ng Estados Unidos sa Mehiko).[2], na nagpakilala ng bulaklak sa Estados Unidos noong 1825.

Kabilang sa mga pamalit na katawagan para sa paskwa ay Mexican flame leaf (dahong-ningas ng Mehiko), Christmas star (bituin ng Pasko), Christmas flower[1] (bulaklak ng Pasko), Winter rose (rosas ng Taglamig), Noche Buena (Mabuting Gabi), Lalupatae, Αλεξανδρινό (Alexandrian, sa Gresya) at Atatürk çiçeği (bulaklak ng Atatürk sa Turkiya), Pascua at Stelle di Natale (sa Italya).

Paglalarawan

Ang mga paskwa ay mga palumpong o maliliit na mga puno, na karaniwang umaabot sa taas na 0.6 to 4 metro (2 hanggang 16 na talampakan). May dala-dalang maitim na lunting mga dahon ang halaman na sumusukat sa 7 hanggang 16 cm (3 hanggang 6 pulgada) ang haba. Kulay malagablab na pula ang mga pangibabaw na mga dahon (mga bract), na maaari rin namang kulay rosas, o puti, at karaniwang napagkakamalang mga bulaklak. Ang tunay na mga bulaklak nito ay nakatipon sa loob ng maliliit na kayariang kulay dilaw at makikita sa gitna ng bawat kumpulan ng mga dahon, na tinatawag na mga cyathium.

Sa kalikasan, matatagpuan ang mga paskwa sa mga kagubatang tropikal, malimit ang paglalagas, at doon sa mga katamtamang taas na anyo ng lupa mula sa katimugang Sinaloa pababa hanggang sa kabuuan ng dalampasigang Pasipiko ng Mehiko hanggang sa Chiapas, at patungo sa Guatemala. Makikita rin ang mga ito sa loob ng mainit, at mga kagubatang may panapanahong pagkatuyot ng Guerrero, Oaxaca, at Chiapas.

May mga patubo na may mga dahong kulay narangha, maputlang lunti, krema at parang kakulay ng marmol.

Mayroon mga 109 na mga uri ng mga paskwas subalit 74% ng mga nagtatanim sa Amerika ang nakahiligan ang pagaalaga ng mga pulang paskwa, 8% ang may gusto ng mga puti, at 6% ang may ibig sa mga kulay rosas.[3].

Kasaysayn ng paskwa at ang kapistahan ng Pasko

Sa Nahuatl, ang wika ng mga Aztec, ang halaman ay tinatawag na Cuitlaxochitl na ang ibig sabihin ay "bituing bulaklak." Ginagamit ito ng mga Aztec sa paglikha ng mga mapulang pangulay at bilang gamot na anitpiretiko, o pampababa ng init ng katawan kung may lagnat.[4] Sa Chile at maging sa Peru, nakilala ang halaman sa pangalang "Crown of the Andes", Korona ng Andes.

Nagmula sa ika-16 dantaon sa Mehiko ang kaugnayan ng halamang ito sa Pasko, kung saan sinasabing may alamat ng isang batang babae na lubhang napakahirap para makapagbigay ng regalo upang maipagdiwang ang kaarawan ni Hesus. Sinasaad din ng kuwento na nabigyan ng inspirasyon ang bata ng isang anghel na manguha ng mga damo mula sa tabing-daan and ilagay ang mga iyon sa harapan ng dambana ng simbahan. Sinasabing may umusbong na mga talulot na may kulay na krimson mula sa mga damo at naging kaayaayang mga paskwa.[5] Mula noong ika-17 dantaon, isinama ng mga mongheng Pransiskano sa kanilang mga pagdiriwang ng Pasko ang paskwa.[6]

Sa Estados Unidos, ang ika-12 ng Disyembre ang Pambansang Araw ng Paskwa.

Monopolyang Amerikano sa pagtatanim ng paskwa

Hanggang sa mga 19 taon na ang nakararaan, ang mag-anak ni Paul Ecke ng Encinitas, California, ay waring sinarili ang pagpapayabong ng mga paskwa dahil sa pagkakaalam nila ng isang lihim na teknolohikal, na nakapagpahirap sa ibang mga tao upang makipagpaligsahan. Ang susi sa pagpapatubo ng higit na kahalihalinang mga paskwa ay ang paglikha ng mas mayabong at mas hitik na halaman. Ang isang paskwa na hinayaang lumaki sa sarili lamang niya ay magiging bukadkad at tila madamong kaanyuan. Ang pamamaraan ng mag-anak na Ecke, na kinasasangkutan ng pagdurugtong (grafting) ng dalawang uri ng paskwa, ay nakapagdulot ng kakayahan na magsanga ang bawat batang halaman na magreresulta sa mas mayabong at hitik na paskwa. Subalit, noong mga dekada ng 1990, may isang mananaliksik sa isang pamantasan, na nakatuklas sa kababalaghang iyon at inilathala ito; laganap na sa ngayon ang pamamaraang ginagamit ng mag-anak na Ecke.[7]

Pagtatanim at pangangalaga

Sa mga pook na nasa labas ng likas na kapaligiran ng paskwa, karaniwang itinatanim ang mga ito sa loob ng bahay kung saan nakatatamo ito ng sinag ng araw tuwing umaga at nakasisilong naman laban sa mainit na bahagi ng isang araw. Subalit malawakang inaalagaan at tanyag ito sa mga klima subtropical katulad ng Sydney, Australia. Dahil nga sa ito ay isang halamang subtropical, maaaring mamamatay ito kung ang temperature sa gabi ay babagsak sa ibaba ng 10 °C (50 °F), kung kaya’t hindi ubrang itanim ito sa lupa sa klimang maligamgam lamang. Gayundin, ang mga temperaturang pangaraw na sobra sa 21 °C (70 °F) ay makasasanhi ng pagikli ng buhay ng halaman

Itinatanim na ang mga paskwa sa Ehipto noon pa mang mga dekada ng 1860. Dinala ito mula sa Mehiko noong kapanahunan ng kampanya ng mga Ehipto noong mga 1860. Tinawag itong Bent El Consul, "ang anak na babae ng konsul", na tumutukoy kay Ginoong Poinsett, ang embahador ng Estados Unidos.

Mahirap na muling pamulaklakin ang paskwa matapos bilhin na nasa panahon ng una nitong pamumulaklak Nangangailang ang halaman ng walang pagkaabalang panahon ng madirilim na gabi sa loob ng dalawang buwan sa panahon ng tag-agas upang makapamulaklak. Ang hindi sinasadyang pagkagambala ng liwanag sa gabi sa panahong ito ay makapipigil sa pamumulaklak. Sa pagdidilig, mahalagang pabayaan ang halaman na mapatulo ng halaman ang lahat ng sobrang tubig. Hindi makapipinsala sa paskwa kung pagbabad o “pagupo” sa tubig sapagkat gusto nito ang mamasamasang lupa kaysa sa tuwirang pagtanggap ng tubig.

Upang makapagpayabong ng karagdagang mga sanga-sangang usbong na kailangang para sa mga halaman na marami kung mamulaklak, hinahawahan ang mga ito ng bakteryang [[phytoplasma]pitoplasma]], na ang sintomas o tanda ay ang hitik na pagyabong (proliperasyon) ng mga masasangang usbong.[8]

Mga sakit ng halamang paskwa

Hinala ng pagiging malason

Sa Estados Unidos at maaaring sa iba pang mga lugar, mayroon isang maling paniniwala na ang mga paskwa ay nakalalason. Ang simulain ng paniniwalang ito ay makikita sa kadahilang ang halos lahat ng mga halaman na nasa sari ng mga espurga (mga Euphorbia) ay tunay ngang nakalalason, at dahil na rin sa ang pangalan ng halaman sa Ingles (poinsettia) ay malapit at katunog ng salitang poison, ang salinwika sa Ingles ng terminong lason. Pinakalat ang maling pagaakalang ito ng isang alamat urbano noong 1919[9] nang mamatay ang isang dalawang-taong gulang na bata matapos na kumain ng isang dahon ng paskwa. Bagaman totoong hindi lubhang nakalalason ang halamang paskwa, maaapektuhan yung mga alerdyik sa mga latex (goma), kung kaya’t hindi maimumungkahi na magdala ng mga halaman sa tahanan ng mga taong may alerdyi.

Sa isang pagaaral na nakasaad sa American Journal of Emergency Medicine (Dyaryong Amerikano ng Panggagamot na Pang-emerhensiya) may 22,793 mga kaso ng pagkakabantad sa mga paskwa na sinuri sa paraang elektroniko. Ang 98.9% ng pagkakalantad sa paskwa ay mga hindi sinasadya na ang 93.9 na bahagdan ay nangyari si mga bata. 96.1% ng mga pasyenteng naharap sa halaman ay hindi ginamot sa mga tanggapang para sa pangangalaga ng kalusugan at may 92.4% na hindi nangailangan ng anumang paglulunas.[4] Kapag kinain, maaaring makapagdulot ang paskwa ng bululos at pagsusuka sa mga hayop at mga tao.[10]

Inuming paskwa

Ang cocktail na paskwa ay ang paghahalu-halo ng mga tuyong makinang at puting alak, vodka, at katas ng cranberry.

Mga larawan

Mga talasanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Paskwa at Paskwas". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
  2. http://web.archive.org/web/20021022153350/http://www.state.gov/r/pa/ho/po/com/10948.htm
  3. "Mga Pahina ng Paskwa" (html). Nakuha noong 2007-12-21.
  4. 4.0 4.1 http://www.urbanext.uiuc.edu/poinsettia/facts.html
  5. http://www.flowers.ie/monthly-page.html
  6. http://www.ipm.iastate.edu/ipm/hortnews/1995/12-8-1995/trad.html
  7. Cynthia Crossen, "Holiday's Ubiquitous Houseplant" (Ang Laganap na Halamang-Pantahanan ng Kapaskuhan), Wall Street Journal, Disyembre 19, 2000.
  8. Lee et al. (1997) Nakasasanhi ng malayang pagsasanga ang pitoplasma sa mga pangkalakalang mga patubo ng paskwa. Nature Biotechnology (Biyoteknolohiya ng Kalikasan) 15 178-182
  9. Poinsettia plants are poisonous to humans (Ang mga halamang paskwa ay nakalalason ng mga tao), snopes.com Hulyo 30, 2007
  10. "Are Poinsettia Plants Poisonous? Fact or Fiction? (Nakalalason Ba ang Mga Paskwa? Totoo o Kathang-Isip?)" (html). Nakuha noong Disyembre 21, 2007.

Mga talaugnayang panlabas

May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons ukol sa artikulong:
license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Paskwa (bulaklak): Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages
Para sa ibang gamit, tingnan ang Paskwa (paglilinaw).

Ang paskwa o paskwas (pangalang pang-agham: Euphorbia pulcherrima, Ingles: poinsettia, Kastila: pascua) ay mga bulaklak na nagmula sa Mehiko, katutubo sa dalampasigang Pasipiko ng Estados Unidos, ilang bahagi ng gitna at katimugang Mehiko (kabilang ang dalampasigang Pasipiko ng Mehiko, at ilang lokalidad sa Guatemala. Ipinangalan ang mga ito mula kay Joel Roberts Poinsett, ang pinakaunang embahador ng Estados Unidos para sa Mehiko (o pinakaunang kinatawan ng Estados Unidos sa Mehiko)., na nagpakilala ng bulaklak sa Estados Unidos noong 1825.

Kabilang sa mga pamalit na katawagan para sa paskwa ay Mexican flame leaf (dahong-ningas ng Mehiko), Christmas star (bituin ng Pasko), Christmas flower (bulaklak ng Pasko), Winter rose (rosas ng Taglamig), Noche Buena (Mabuting Gabi), Lalupatae, Αλεξανδρινό (Alexandrian, sa Gresya) at Atatürk çiçeği (bulaklak ng Atatürk sa Turkiya), Pascua at Stelle di Natale (sa Italya).

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia