Ang pusang ligaw o wildcat (Felis silvestris) ay isang maliit na pusang matatagpuan sa buong Aprika, Europa, timog-kanluran at sentral na Asya, Indiya, Tsina at Mongolia. Ang pakikipagtalik ng mga pusang ligaw sa mga pusang pambahay (domestikadong pusa) ay malawak at nangyari sa halos kabuuan ng saklaw ng espesyeng ito.[2] Ang ebidensiyang henetiko, morpolohikal at arkeolohikal ay nagmumungkahing ang mga domestikadong pusa (pusang pambahay) ay dinomestika mula sa Aprikanong pusang ligaw mga 10,000 hanggang 9,000 taon ang nakalilipas sa Matabang Gasuklay sa Malapit na Silangan na kasabay ng paglitaw ng agrikultura at pangangailangan ng pagpoprotekta sa mga inaning butil mula sa mga dagang kumakain ng butil. Ang domestikasyong ito ay malamang nangyari nang ang butil ay nalikha mula sa rebolusyong agrikultura sa panahong Neolitiko at inimbak sa mga granaryo na nakaakit ng mga rodent (daga) at ang mga dagang ito ay nakaakit naman ng mga pusa.[3] Ang mga daga ang pangunahing pagkain ng mga pusang ligaw na ito.[4]
Ang direktang ninuno ng pusang ligaw ang Felis lunensis na umiral sa panahong Huling Plioseno. Ang mga labing fossil ng pusang ligaw ay karaniwan sa mga depositong kweba na may petsang bumabalik sa huling panahong yelo at sa Holoseno.[5] Ang Europeong pusang ligaw ay unang lumitaw sa kasalukuyang anyo nito mga 2 milyong taon ang nakalilipas at nakarating sa British Isles mula sa pangunahing lupain ng Europa mga 9,000 taon ang nakalilipas sa wakas ng huling panahong yelo.[6] Sa panahong Huling Pleistoseno na posibleng 50,000 taon ang nakalilipas, ang pusang ligaw ay lumipat mula sa Europa tungo sa Gitnang Silangan na nagpalitaw ng penotipong pusang ligaw na steppe. Sa loob ng posibleng 10,000 taon ang nakalilipas, ang pusang ligaw na steppe ay kumalat pasilanganin tungo sa Asya at patimog tungo sa Aprika.[7] Ang pinaka-malapit na kasalukuyang mga nabubuhay na kamag-anak ng mga pusang ligaw ang pusang buhangin (sand cat) at ang pusang bundok Tsino (na maaaring isang subespesye ng pusang ligaw), ang pusang kagubatan at ang pusang may itim na paa.[8] Sa kabuuan, ang pusang ligaw(kasama ng mga pusang leopardo at pusang kagubatan) ay kumakatawan sa higit na kaunting espesyalisadong anyo kesa sa pusang buhangin at manul. Gayunpaman, ang subespesye ng pusang ligaw na pangkat Aprikanong pusang ligaw ay nagpapakita ng ilang karagdagang espesyalisasyon na katulad ng sa pusang buhanging at manul.[9]
|author2=
(tulong) Ang pusang ligaw o wildcat (Felis silvestris) ay isang maliit na pusang matatagpuan sa buong Aprika, Europa, timog-kanluran at sentral na Asya, Indiya, Tsina at Mongolia. Ang pakikipagtalik ng mga pusang ligaw sa mga pusang pambahay (domestikadong pusa) ay malawak at nangyari sa halos kabuuan ng saklaw ng espesyeng ito. Ang ebidensiyang henetiko, morpolohikal at arkeolohikal ay nagmumungkahing ang mga domestikadong pusa (pusang pambahay) ay dinomestika mula sa Aprikanong pusang ligaw mga 10,000 hanggang 9,000 taon ang nakalilipas sa Matabang Gasuklay sa Malapit na Silangan na kasabay ng paglitaw ng agrikultura at pangangailangan ng pagpoprotekta sa mga inaning butil mula sa mga dagang kumakain ng butil. Ang domestikasyong ito ay malamang nangyari nang ang butil ay nalikha mula sa rebolusyong agrikultura sa panahong Neolitiko at inimbak sa mga granaryo na nakaakit ng mga rodent (daga) at ang mga dagang ito ay nakaakit naman ng mga pusa. Ang mga daga ang pangunahing pagkain ng mga pusang ligaw na ito.
pusang ligaw na Scottish kasama ng kuting nito, British Wildlife Centre, Surrey